John Cezar Guion, or we call him Jze (pronounced as J-Z, not "je") is my little brother. Not literally little and not biologically brother. Haha. But in my heart, he is not just a dear friend but a dear brother. Siya lang ang nakatimpla sa akin nang sakto. Siya lang! Naglaho na lahat nang malalapit na kaibigan dati pero siya, he remains there. Gumamit ata nang Mighty Bond, matindi pa din ang friendship namin. Haha.
We met at People Support (now Aegis-People Support) when we used to work there. He was the new cute-boy in town at that time where a lot of gays were attracted to him, while me, nahh. Hindi ko talaga type ang mga model-type guys (model-type talaga? haha. he's just skinny). Skinny? Magrereact na yan. Haha. Anyways, going back, ayun na nga, ano na nga ba? Haha.
Okay, seriously, nag-click ang kakulitan namin. Ang sense of humor namin, parang Agua Bendita lang. We compliment each other. At ako si Agua, siya si Bendita. Maldito yung batang yun eh. At ang maganda kasi, there's no attraction (at maniwala kayo doon). Talagang parehas kami nang motibo sa buhay. Yun ay ang laitin ang lahat nang tao sa office. Just kidding. We both want a brother image in life. Ako gusto ko nang little brother, siya gusto niya nang big brother. Kuya??? Haha. Kahit may ilang nag-isip na kami. Tinatawanan lang namin.
Madami na kaming pinagdaanan sa aming pagkakaibigan. Kasama na diyan ang istoryang muntikan nang gumimbal sa aming pagkakaibigan pero kalimutan na yun. Haha. Maraming beses na ring sermon ang narinig ko sa kanya, hobby niya yun eh. Feeling ko tuwing magkikita kami, may nakahandang litanya talaga siya sa akin. Haha. Nase-stress kasi siya sa takbo nang buhay pag-ibig ko. Haha.
Kaladkarin din yan. One time, tinopak ako, pumunta ako nang Baguio mag-isa. Na-bored ako, tinawagan ko siya at sinabing sumunod siya sa Baguio at samahan niya ako (well he knows the real story of this, haha). And he did. That night mismo. Ganun siya kabait. At kung pagsawaan namin ang Puerto Galera dati, naku, parang last summer of the world ang drama namin. Pabalik-balik. At kung gumimik, sumayaw, at umindak kami sa Bed sa Malate dati, naku, parang walang humpay.
Ngayon, nasa Jeddah na siya. Nakipagsapalaran sa buhay. Nagtampo ako sa kanya. Kasi huli na akong nakaalam na tuloy na ang lipad niya. He mentioned that plan to me before but I never expected it would happen soon. Kasi nga ayoko. Madamot ako. Gusto ko andiyan lang siya pag gusto ko siyang kaladkarin kung saang lakad. Ang selfish kong friend di ba. Haha. At di ko talaga siya kinita bago umalis sa sobrang tampo ko. Pero ang totoo, sad lang talaga ako.
Pero ayan na, gusto niyang umunlad ang buhay niya, I have to understand. I have to support him. I guess that's what a friend should be. But I miss him. I only have few friends. I'm a snob. And I rarely trust my life with people. Good thing andiyan ang Twitter, kahit di ako pumapatol sa lahat nang tweet niya dahil napakarami, masaya na akong nakikita ko siya doon. Parang katabi ko lang siya.
He has a boyfriend for seven years. Yes, seven years na sila. Nahiya ako sa tagal nang relasyon nila. Nagmukha akong pokpok sa dami nang pinagdaanan kong relasyon pero siya, isang tao pa din. Haha. But seriously, they are my inspiration. They are the proof that love can last that long especially for PLU. And actually, their love story is so cute. If you're interested to know, check this article on his blog.
Siopao & Bunwich
I treat his boyfriend (Francis) as my little brother too. Of course, kung sino mahal niya, mahal ko din. They are my little brothers. And they treat me as their kuya. So quits lang. And they have accepted and embraced my partner as well. Actually nga, parang mas magbestfriend pa nga sila sa Twitter. Sila ang halos magkausap at magkakulitan palagi.
1 comment:
OMG! alam mo talaga panu bumawi. hehehe
na stress ako sa isang pic, masyadong bata. lol
sobrang salamat sa effort, well hindi din naman fair na sa bago mong blog e wala akong feature. e sa akin nga meron di ba? hahahaha
i miss you.
Post a Comment