Tuesday, November 16, 2010

Ang Storya Nang Callboy


Kaninang umaga.

EKSENA: Tumambay sa Starbucks BF Homes Aguirre with friends and hubbee. Nagyayaan pumunta sa bahay nila Wax para bisitahin ang baby niya after. Convoy kami. Pagtayo, nakita ko ang coin purse ni hubbee sa upuan niya. For some reason, naramdaman kong makakalimutan niya yun kaya kinuha ko nang palihim. At tama ako, nakabalik na kami sa sasakyan, di pa din niya naaalala. Tingnan mo yun!

While on the way...

Von Viajero: Andiyan ba yung wallet ko?
Hubbee: Andito
Von Viajero: Eh yung phone ko?
Hubbee: Andito din.

Pretending that I am making sure everything is there at walang nakalimutan. Hindi pa rin masyado nakaalala. Amak mo yun...

Von Viajero: Sure kang wala tayong nakalimutan?
Hubbee: Wala.

Ilang saglit... Nakita kong nagkakapkap na siya.

Hubbee: Oh shit! May naiwan ako.
Von Viajero: Ano? (pretending)
Hubbee: Balik tayo Mac, naiwan ko yung coin purse ko.
Von Viajero: Weh!
Hubbee: Oo nga.
Von Viajero: Artista ka! Galing mo.

Actually artista din ako. Hehe.

Hubbee: Artista ka jan. Di ako nagbibiro.

Seryoso na ang mukha. Naiinis na.

Von Viajero: Babalik tayo?
Hubbee: Oo nga!
Von Viajero: May laman ba yun?
Hubbee: Meron.
Von Viajero: Sige, lokohin mo ako!

Eto na... Mabilis niyang sinabi at punong puno nang pagkataranta...

Hubbee: Lolokohin pa ba kita, kita mo nang naka-CALLBOY tayo, bibiruin pa ba kita!

Humagalpak ako sa tawa!!!! Haha. Callboy? (supposed to be convoy) Sa sobrang tawa ko, hindi ko na kinayang umarte at inilabas ko na yung coin purse at binigay sa kanya.

Callboy? Inulit ulit ko yung statement niya. Tawa kami nang tawa. Ang hubbee ko talaga. Panalo! Haha.

No comments: