Saturday, November 6, 2010

I Found It

In-effort ko talaga!

In-effort ko talagang hanapin!

Hindi ko din masabing wala akong magawa dahil sa mga oras na ito, antok na antok na ako. Wala pa akong tulog. Pero kahit gusto kong matulog, ayaw ko namang masayang ang sabado ko at ilaan lang sa tulog. Mamaya na yan. At oo, magaling na ako. Yey!

Sa wakas, nahanap ko na din!

Naka-ilang click din ako nang "Older Post". Sana kasi may control "F" din para madali lang mag search. Pero dahil matiyaga ako sa ilang bagay, at kasama ito sa iilan na yun, tinyaga ko kahit sumasabog na ang utak ko sa mga idea para sa susunod kong blog entry, pinilit ko pa ding hanapin.

Eto na siya... I-click nang malaman...

TL Eksena

Nakita mo na? Tapos na?


Wala lang. Naisip ko lang. Gusto ko lang basahin ulit. Nanood kasi kami nang Due Date ni hubbee today sa ATC. Naalala ko na naman siya. Puro babae kasi ang kaibigan ko. Wala din akong masyadong kaibigang tulad ko (yung kasing timpla ko), tulad namin ni hubbee. Kasi nga, natatae ako pag may bading malapit sa akin. Haha.

Just kidding.

In fairness sa movie, ang galing magpatawa ni Zach Galifianakis (sounds like galis na junakis). Ang cute din ni Robert Downey Jr (crush ko na siya). At napa-realize niya sa akin ang importance nang pagpapahalaga nang kaibigan mo kahit pa sino siya at kung ano pa ang topak at trip niya sa buhay. Kaya bukas...

Makikipag-bonding naman ako sa mga Cheequitas!!!


And I will make sure it will be a happy bonding day for us. Matagal tagal na rin kaming di nagkaroon nang moment. Uuwi kami nang laguna ni hubbee at doon kami magla-lunch. My treat! Meaning, I'll ask my mom to cook. Yun yung ibig kong sabihin nang "my treat". Haha.

Btw, na-miss ko din bigla ang mom ko. In fairness, andami kong biglang na-miss ha. Pati nga dati kong bestfriend na si Jem, bigla kong na-miss :)

And I'm sure, ang kama namin, miss na miss na rin ako. Antagal ko na daw gising. Haha.

Happy Sunday tomorrow!

(advance?) Haha.

No comments: