Friday, January 14, 2011

:(


Not a good start of the year...

Thanks hubbee,
for being an angel beside me.

Thursday, January 13, 2011

The Search For The Hottest Single Ten


Because Valentine's Day is coming very soon, 31 days to be exact, Von Viajero would like to play as a good-hearted Cupid, searching for those lonely hearts in my Facebook, to tell to the blog world that they are available. I have been so blessed with a good partner and I am enjoying so much the beauty of a good relationship and the simple feeling of being loved. So I want a lot of people to experience that too.

Honestly, it breaks my heart, for some reason, when I see someone posting "I am now single" as their status, or when someone just broke up with someone else.

Since I am fond of love and happiness, and I want everyone to be happy too, and enjoy the magic of love, I will hunt those hot and gorgeous single men out there and show to the world what their ex-boyfriends just lost. I will show their profiles and brief descriptions of who they are and what might be interesting information for anyone out there.

Of course, this has to be with their consent. I don't want to be responsible for their hearts but if they are up to it, why not. Besides, there's nothing to lose in being part of the list. Who knows, your love story might start from here. Isn't that a cute story to write in the future? And I would be very happy to see them get happy on Valentine's Day (wink).

So watch out guys. Will post the Top Ten very soon...

To Watch Or Not To Watch?


Newport Performing Arts Theater is bringing the famous Chippendales in the country. Hmmm. To watch or not to watch? I'll ask a friend. Isa lang na friend ko ang pumapasok sa utak ko pagdating sa ganito. Haha. Whew! My weakness. Haha!

Masama na ang tingin sa akin ni hubbee.

1-11-11

January 11, 2011, a lot of people in Twitter and in Facebook greeted everyone a "Happy 1-11-11", which is not a holiday or what, but just a historical date because it was all "1" on the said date. Si hubbee, naki-sali sa pakulo at pakana nang mundo in making that day special. When I opened my laptop pagkagising ko, and saktong gising na din siya, I saw a piece of paper with a small message of...

Mac,


Thank you sa gift. It's a very nice book. But remember, among the gifts you have given me, one of the most wonderful of all is the joy of being so close to you. Thank you and I love you so much. You are always inside of me, warm within my heart.


Mwahness.


Hubbee


Aaminin ko. Kinilig ako. Pagbigyan na ako. Once lang dadaan ang 1-11-11 kilig sa buhay ko kaya hayaan niyo na. At ang picture above, walang connection. Gusto ko lang tumiyad at magpasingkit nang mata, maisingit lang sa entry na ito. Hehe. At dito ko sasagutin ang message ni hubbee sa akin.

Hubbee,


Nung pasko ko pa binigay yang libro na yan sa'yo, pero salamat at na-appreciate mo. Among the gifts I have given? Naku, baka isipin nila madami na akong binibigay na gift sa'yo. Slight lang. Sa akin, being close to you does not only bring joy, may kasama pang kabag sa tiyan sa sobrang joy. Masayang masaya ako. I love you so much too. Alam mo yan. I am always inside of you? Naku, papaano ako nagkasya sa laki kong ito? Hehe.


Mwahness biyernes!


Mac

Wednesday, January 12, 2011

Can You Blame Me?

Kung hindi ko mapigilan.. Kung napaka-sarap niya.. Kung nakikita ko pa lang eh naglalaway na ako.. Kung yan ang tumatambad sa harapan at paningin ko...


Okay, hindi si hubbee. Hello, baka isipin niya, patay na patay ako sa kanya, hindi kaya. Hehe. Just kidding. Yung ginagawa niya. Yung paboritong paborito niyang gawin sa buhay namin. Ang magluto. At di lang magluto. Magluto nang masarap. At di lang masarap. Masarap na masarap. Parang laging may birthday, parang laging may piyesta, parang laging may okasyon. Hay!!!

Beef Hashbrown Melt

Grilled Tenderloin Beef & Pomelo Ceasar Salad

Nilagang Baka

Grilled Pork with Mashed Potato and Steamed Beans

Tropical Graham Cake

French Toast with sliced Bananas

Grilled Pork with Mushrooms and Beans

Four Seasons Graham Cake

Club Sandwhich

Now, can you blame me if I gained so much weight when I met him??? Waaah. Ilan lang yan sa mga naiisipan niyang kunan nang picture. Madami pang hindi na-document. Tuwing nagde-declare ako nang "diet mode", palagi niyang sinasabi na...

"I will support you Mac!!!"

Pero alam niyo kung anong ginagawa niya, ganyan, nagluluto nang masasarap. Aba! Tao lang ako, may kahinaan din. Lalo na itong self-control ko, mahinang mahina na. Hehe. Ibibigay sa'yo ang plato na may pagkain, matatakam ka, sa amoy at sa itsura. Sasabihin ko...

"Paano na ang diet ko?"

Tapos sasabihin niya, "Okay lang yan Mac, ngayon lang". Tapos kakagatin ko na ang temptation. Tapos uli, bukas, ganun na naman. Palaging...

"Okay lang yan Mac, ngayon lang".

Ano ba yung "ngayon" sa kanya, "araw araw"? Hay! Magpapasalamat ba ako o magrereklamo? Hehe. Siyempre, no complaining. Must be thankful for that.

Paano na ang diet? Ang planong magpapayat?

Change the topic.

Tuesday, January 11, 2011

Happy 8!


Isang halayang ube, mala-barney at mala tinky winky na teletubby na pagbati nang Happy 8th Anniversary to my little brothers Jze and Xao.

Everyone bow...

Everyone wave your hands...

Everyone clap and jump so high...

Kayo na ang may matagal na relasyon. Hehe. Bakit wala akong ganyang storya sa buhay? Just kidding. I'm so happy for the two of you, for lasting that long and for keeping the love and commitment to each other.

Saksi man ako sa kapiranggot na storya nang inyong pagmamahalan, masaya na akong naging bahagi nang buhay ninyong dalawa, at ngayon, may siniksik pa ako na isa, si hubbee. I am also glad that through time, we remained as friends. Ay ay wait, anniversary niyo pala ang topic, di pala friendship natin. Hehe.

Jze who is in Jeddah did not make distance a reason to make this day special for Xao. He asked a friend who is here in Manila to bring flowers and a heart-shaped pizza to Xao. Sweet di ba. Kaya sabi ko kay hubbee, pag umabot din kami nang 8 years, padalhan din niya ako nang pizza, hugis atay o kaya balun-balunan naman para maiba. Mas sweet yun. Hehe.


Let's celebrate this on saturday Xao. Ice-celebrate ka na lang namin Jze, okay. Anong gusto mong order? I will order it at ako ang kakain. Hehe.

For the two of you, your kuya will always be here. May sabit pang isa sa tabi ko. Hehe. Excited na tuloy ako sa Hongkong natin sa May. This is it. This is really is it!!! Happy Anniversary uli. Love you both!!!

Sunday, January 9, 2011

End Of A One Week Leave

When my boss is out of the country, it's automatic na wala akong pasok. That's one of the good things sa aking work. Either personal trip o business trip niya, wala na akong pasok niyan. Masaya minsan kasi nakaka-leave ako pero kapag andiyan naman siya, I make sure talaga na huwag umabsent. Malaki din kasi ang role na ginagampanan ko sa trabaho niya.

I was given a one week leave dahil meron siyang personal trip sa Hongkong with her family then kasunod naman ay ang business trip sa India. Masaya ang unang linggo ko sa bagong taon kasi pahinga talaga. Although walang trip, walang lakad, "hubbee week" ko talaga siya. Rest talaga. Nag-stay lang ako sa pad. At tinapos ko ang matagal ko nang inaasam na tapusin. Ang album ko...


Tatlong araw ko din yang pinagtuunan nang oras. By the way, di siya album na kanta ha. Hehe. It's a collection of all the pictures of my adventures. So andami talaga. Although may final touch pa, at least I am almost done. Yehey! Last friday naman, we were visited by our friend Joy and she brought along Carrie with her, her cute daughter. Nagkwentuhan lang kami at pinag-swimming namin ang bata. So cute!




Mahilig talaga kami ni hubbee sa bata. We always love playing as daddy or tito sa mga anak nang mga friends namin. Hehe. Minsan nga substitute dad kami. Hehe. Mahilig din kami magpatuloy nang mga friends sa aming mumunting kublihan. Masaya pag may bisita eh. Hehe. Nung saturday naman nang umaga, umattend kami ni hubbee nang binyag slash birthday nang pamangkin ni Chi sa BF Homes. Photographer mode.






A few friends from work also attended the party. Drew and Joy were there, together with their little cutie cute kids Kyle and Carrie. Nag-enjoy akong mag-substitute dad kay Kyle. Sobrang cute nang batang yun. Nakalimutan ko nang kinuha pala akong photographer ni Chi. Hehe. At ang mga handang food, naku, kinalimutan ko ang plano kong magpapayat uli. Hehe. Ang sasarap! Hay!






Kinagabihan naman, we were expecting few friends to visit us for some inuman sa pad. We were expecting mga 8-9 people pero drawing na yung 7. Hehe. Yung dalawang cheequitas lang ang dumating. Nagluto pa naman si hubbee. Hehe. Pero sakto na din, matagal na rin kaming di nakakapag-bonding nang mga cheequitas, although wala si Hazel, tinuloy na namin nila Ash at Drey sa JR's Carwash and Bar sa BF Homes. Nag-videoke kami.






Ang saya. Nag-enjoy ako sa place. Simpleng videoke bar lang siya pero nag-enjoy ako sa sound system. Buo ang boses ko. Babalik uli doon. Hehe. Nag-enjoy din kami ni hubee sa tokwa't baboy na first time namin makatikim. Wala sa bundok eh. Hehe. Pagkatapos, balik na sa pad. We called it a night at umalis na ang mga cheequitas. Hay, saya nang saturday night.



Last night naman, we went to ATC para manood nang movie. Na-miss namin. We watched The Little Fockers. Sobrang nakaka-aliw. Tawa ako nang tawa. Kulit nang movie. Tumambay din kami sa aming favorite hang out place, ang Powerbooks. Ilang magazine na naman ang in-attack ni hubbee. Bukas lang nang bukas, walang takot. Hehe. First date namin ni hubbee for 2011. Hehe.


Back to work na later. back to working out na din later. Back to reality. Back na ulit lahat. Pwede din kayang mag-back out? Hehe.

Xao, Benz And Market Market


Last tuesday, hubbee and I went to Makati to help out Xao in moving to his new apartment. Actually, di naman "new" kasi bumalik lang siya doon sa dati nilang tinitirhan 3 years ago. If you remember, Xao is the long-time partner ni Jze (click this entry: Little Brothers) na naiwan dito sa Pilipinas habang nasa abroad ang aking kapatid. Dahil wala naman na siyang kasama sa apartment, they decided na bumalik na sila kay Benz.


Si Benz naman ay isang kaibigan din. At kababayan nila. Lahat sila taga Bacolod. Sila yung magkakasama sa apartment dati at ngayon, bumalik na dun si Xao, back to their old room. Xao needed some help for their stuff kaya to the rescue kaming tatlo. Ako, si hubbee at si Khenzo. After maglipat, nag-lunch na lang kaming tatlo sa Market Market para sa ikakatahimik daw nang loob ni Xao at inistorbo namin sa pagtulog si Jze. Tinawagan namin. Hehe.

And it was hubbee's first time sa Market Market. Hehe. Kaya after kumain, umalis na si Xao dahil may pasok pa siya, at kami, naiwan para maglibot. At siyempre, kinumpleto na naman nang isang scramble ang araw ko. Hay! Sarap talaga!

It was nice seeing Benz again at nakapagkwentuhan nang kaunti. Masyadong masaya ang love life niya ngayon, parang tele serye. Hehe. And it was nice seeing Xao again. Hiling nga niya, mapadalas kami sa kamaynilaan. Hehe. Hayaan mo little brother, we will try. Hehe.

Happy Birthday Ash

Last week, we attended a late birthday party celebration at Gossip Bar sa Las Pinas. It was a party for our dear friend Ash. We were supposed to be attending the event nang 9:00pm, kaso sa sobrang groggy ko sa gamot ko, nakatulog ako at mga 1:00am na ako naggising. Buti na lang nakahabol pa kami. I just can't miss his birthday party dahil espesyal itong kaibigan kong ito.


Si Ash ang tumulong sa akin sa dalawang magkasunod na birthday party ko. Kaya hindi ko pwedeng tanggihan ang invitation niya. Although biglaan din kasi, at di siya naka sulat sa planner ko (hehe), nakatanggap na lang kami nang text noong umaga na may celebration ngang magaganap daw. Kaya kahit pupungas pungas pa, drive and attack to the bar to greet and party with him.


It was a small place and attended by his friends inside and outside work. Since hindi naman ako umiinom, happy audience lang kami ni hubbee doon. Although di naman kami nagtagal dahil at that time, hubbee was struggling from his clogged nose na mas pinalala nang usok nang sigarilyo sa loob nang bar. Masaya na akong nakapunta ako at nakita kong masaya naman ang aking kaibigan.


To our dear friend Ash, we wish you all the best. Dati agent lang kita, tapos naging kaibigan kita, ngayon Trainer ka na, sobrang happy ako for you. May love life ka pa, at kung masaya ka naman, malaki ka na. Alam mo na kung anong maaasahan mo sa akin. Pag tama, suportado kita. Pag mali, sermon ka sa akin. Hehe. We love you!!!

A Party For Them Too


Last December 30, I organized another party at work but this time, it's for the Support Group naman. Siyempre, di ko naman hinayaan na ang mga Managers lang ang may party. There are also some frontline leaders na nagpagod din last year kaya I pushed to have a little celebration for them. Although humugot na naman ako sa bulsa nang boss ko. Dami na niyang gastos sa mga plano ko sa buhay. Hehe.



It was a small gathering. But I asked everyone to wear Red. I just wanted the Senior Leadership Team to thank them for their hardwork and dedication at work for all the success we had for 2010. Wala na din masyadong program. Just a few recognition, a small game, konting raffle and a salo-salo after. At siyempre, lahat yata nang nasa paligid ko eh adik na rin sa camera.




Pag may budget na this December, I'll make sure to throw a better and bigger party for these people. Dito kami nagkakasundo ni boss. Ang mapasaya at mapasalamatan ang mga taong nagpapakapagod magtrabaho sa office. To all those who came kahit short notice, thanks for gracing the event. Let's rock 2011!!!

Hello 2011!!!

Hello New Year! Hello 2011! Bago na namang taon. Bagong labindalawang buwan na naman ang ating tatahakin. Naks! Panibagong valentines, panibagong summer, panibagong mahal na araw, panibagong pasko, panibagong birthday na naman. Grabe, time do really fly. Ang bilis nang panahon. How did you celebrate your January 01?


Hubbee and I, of course, celebrated and welcomed the new year sa laguna. San pa ba. And again, I came from work that night. Like last christmas, my boss and I did some rounds sa office to greet everyone a Happy New Year. Si boss lang ang VP na nakikita ko sa office na pumapasok sa mga ganitong holidays. Kaya an hour before 12:00am na kami nakauwi nang laguna ni hubbee.


And as part of the filipino tradition, siyempre hindi nawawala ang mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon. Pero hate na hate ko talaga ang mga paputok dahil magugulatin ako. At lalong lalo na yung mga malalakas na paputok. I hate it! I'm just so thankful na nagka-baby na itong kapitbahay namin na mahilig magpa-putok dati nang malakas sa harap nang bahay namin kaya tahimik na sa paligid namin.

Just imagine, enjoy na enjoy sila noon habang lahat nang kapitbahay nila eh nagtatago sa loob nang bahay dahil umiiwas sa lakas nang paputok nila. Kairita di ba. Imbes na naglulu-lundag kami sa labas, nakatago kami. Kaya kinausap sila last last year na tama na yun. Ako nga, I was ready to confront them nung 2010 celebration kung magpapa-putok pa sila. Buti di na. And finally, nakakalabas na kami nang bahay ngayon. Masaya pala sa labas. Hehe.





Normally pag new year, noong dati pa, it was just me, my mom, my sister and my cousin sa house welcoming the new year. Malungkot pag kaunti kayo sa bahay, although we try to make it fun and happy for us, mas masaya pa din pag madami kayo na masayang sumasalubong sa bagong taon. At siyempre doble fun siya sa buhay ko for the past two years dahil kasama ko si hubbee. Kumpletos rekados na. Hehe.



Sabi nila kailangan mong mag-ingay sa pagsalubong nang bagong taon. At dahil di kami mahilig sa paputok, ang gamit namin ay: (1) torotot (2) busina ni khenzo (3) pito. Dati gumagamit pa kami nang lumang planggana at pinupukpok namin, ngayon less effort na. Maingay din naman. At sinabayan ko pa nang malakas na music nang sasakyan. Saya!







Madami kami sa bahay sa pag-welcome nang bagong taon. Two of my cousins were there kaya mas magulo at mas masaya kami sa bahay. At sabi din nila ulit, kailangan tumalon sa pagpasok nang bagong taon para tumangkad. Pero hindi na kami nakatalon. Nag-ingay na lang kami at nanood nang mga fountains sa labas. At eto ang pinalit namin sa pagtalon, ang pag-pose sa camera. Hehe.










Ugali na rin namin ni mommy na bumati sa mga daberkads niyang neighbors. Oo, madaming daberkads ang mommy ko. Hehe. Kaya pagkatapos nang mga putukan, may ilang bahay ang binibisita namin para batiin nang "Happy New Year", at para tumikim na din nang handa nila. Hehe. Just kidding.


Dahil unang araw nang bagong taon, di dapat muna matulog pagkatapos nang putukan. Dahil makukulit itong mga pinsan ko, isabay pa ang napaka-kulit ko ding kapatid, wala kaming masyadong ginawa kundi itong mga ito....







Alam niyo naman ako, pag sinapian, may topak talaga. Hehe. At si Khenzo, ang unang napag-tripan sa bagong taon. Hehe. Mga adik lang di ba. Hindi pa kami nakuntento dun. Tinawag ang buong cast, isinama din ang laging game kong mommy, ayun, nakigulo na din. Oh what a happy first day of the year. Hehe.







Hindi pa kami nakuntento. Tinodo na namin. Nagbiritan naman kami. Contest kaming tatlo nang kapatid ko at ang isa kong pinsan na ikinagulat ko din ang pag-develop nang boses. Awit kung awit kami. Birit kung birit. Walang pakialam sa mga kapitbahay kung tulog na ba sila o hindi. Basta magsasaya kami. Hehe. Sinabayan pa nang binili kong Tanduay Ice. Pati family ko, in-introduce ko sa bago kong kina-aadikan. Hehe.






All in all, the celebration was just so memorable. Ang saya. Happy din ako kasi magaling na si mommy, unlike nung christmas, may sakit siya. Actually, the previous year, nung bagong taon naman siya may sakit. Kaya buong taon siyang sakitin. I hope this year, hindi na.

To all my readers (naks, akala mo napakarami), I am wishing you a bountiful new year. Year of the rabbit daw, year daw nang mga ma*******. Alam niyo na yun. Hehe. But kidding aside, I hope everyone will have a great year. And to my one and only hubbee, from our first new year celebration...


To our second...


I hope there will be more new year to celebrate for both of us. Thank you and I love you!!! Hubbee, ang laki na nang pinayat nang pisngi mo from last last year. Hehe. Congratulations!!!! Ako ganun pa din. Huhuhu. (so what!). Hehe.


Wow, parang naging sulat bigla kay hubbee ang naging ending nang entry kong ito. Hehe. Happy New Year again everyone!!! Happy happy lang this year! Laid back daw ang year of the rabbit. Good year for traveling. Ay! Perfect!!!