Thursday, January 6, 2011
Bolinao's White Beach & Church
After our lighthouse trip, Joy brought us to what Bolinao calls the "White Beach". Sa dulo na ito nang road trail dahil dead end na when you actually reach the place. Powdery pearly white yung sand and it was fine kaya masarap maglakad sa buhangin. At that time, katirikan na nang araw kaya sobrang init na. Pero hindi naman namin kayang palagpasin ang pagkakataon, andoon na kami. Kaya attack!!!
There's a P25.00 parking fee when you enter the so called "private property" pero public naman. Medyo magulo lang yung konsepto nila dun. Anyways, basta may lalapit na sa'yo na lalake na may dalang resibo for the parking fee. Then dere-deretso ka na. No entrance fee. Para lang siyang public beach na may mga cottage, souvenir stores, mga families na nag-a-outing, may nagvi-videoke, may nag-iihaw. Mga ganun.
We walked near the stones para dun kami kumuha nang mga pictures at dun lumublob sa tubig since we had no plan of renting a cottage. We also saw some people sa area na yun dahil mababa lang yung tubig na pwede ka na actually maglakad sa ibabaw nang mga corals. And it was close to another boutique resort in Bolinao, ang Treasures of Bolinao.
After magpa-cute sa sand, after magkulitan at maglundagan, it was time to drop Chi's beach pants and show her butt again. This time, not the skin-toned bikini. Hehe. I planned not to swim kasi ayokong mabasa pero sa kapipilit, at sa takot ko lang kay Joy na baka masinghalan na naman ako (hehe), lumublob na rin ako. Tinanggal ko na lang ang board shorts ko para di basa yung uupuan ko sa sasakyan.
Since we don't have much time dahil magche-check out pa kami, saglit lang kaming naligo and went back to the resort. Uminom lang kami nang softdrinks saglit dahil sobrang init at nauhaw kami. Then bumili lang nang pasalubong si Chi then we left. All in all, the water was fine, at masarap sana magbabad pa. Kaya bitin experience siya. Hehe.
After checking out sa resort, di muna kami umuwi. Dumaan muna kami sa old Bolinao Church, or the Saint James Fortress Church. This church is extra old you can imagine the Spanish era, people in belos walking in the patio, mga mala-Rosario na mga eksena. Hehe. It's somewhat creepy but very nostalgic. Naks! According to history, it was built by the Augustinians in 1609. So imagine how old the church was.
And a little stroll in the area after getting inside the church, I was so happy to see a scramble stand. Scramble is my favorite and I was really really happy to had one there. Kinumpleto niya ang bakasyon ko sa Bolinao. Hehe.
After that, we left Pangasinan na...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment