Sunday, January 9, 2011

Hello 2011!!!

Hello New Year! Hello 2011! Bago na namang taon. Bagong labindalawang buwan na naman ang ating tatahakin. Naks! Panibagong valentines, panibagong summer, panibagong mahal na araw, panibagong pasko, panibagong birthday na naman. Grabe, time do really fly. Ang bilis nang panahon. How did you celebrate your January 01?


Hubbee and I, of course, celebrated and welcomed the new year sa laguna. San pa ba. And again, I came from work that night. Like last christmas, my boss and I did some rounds sa office to greet everyone a Happy New Year. Si boss lang ang VP na nakikita ko sa office na pumapasok sa mga ganitong holidays. Kaya an hour before 12:00am na kami nakauwi nang laguna ni hubbee.


And as part of the filipino tradition, siyempre hindi nawawala ang mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon. Pero hate na hate ko talaga ang mga paputok dahil magugulatin ako. At lalong lalo na yung mga malalakas na paputok. I hate it! I'm just so thankful na nagka-baby na itong kapitbahay namin na mahilig magpa-putok dati nang malakas sa harap nang bahay namin kaya tahimik na sa paligid namin.

Just imagine, enjoy na enjoy sila noon habang lahat nang kapitbahay nila eh nagtatago sa loob nang bahay dahil umiiwas sa lakas nang paputok nila. Kairita di ba. Imbes na naglulu-lundag kami sa labas, nakatago kami. Kaya kinausap sila last last year na tama na yun. Ako nga, I was ready to confront them nung 2010 celebration kung magpapa-putok pa sila. Buti di na. And finally, nakakalabas na kami nang bahay ngayon. Masaya pala sa labas. Hehe.





Normally pag new year, noong dati pa, it was just me, my mom, my sister and my cousin sa house welcoming the new year. Malungkot pag kaunti kayo sa bahay, although we try to make it fun and happy for us, mas masaya pa din pag madami kayo na masayang sumasalubong sa bagong taon. At siyempre doble fun siya sa buhay ko for the past two years dahil kasama ko si hubbee. Kumpletos rekados na. Hehe.



Sabi nila kailangan mong mag-ingay sa pagsalubong nang bagong taon. At dahil di kami mahilig sa paputok, ang gamit namin ay: (1) torotot (2) busina ni khenzo (3) pito. Dati gumagamit pa kami nang lumang planggana at pinupukpok namin, ngayon less effort na. Maingay din naman. At sinabayan ko pa nang malakas na music nang sasakyan. Saya!







Madami kami sa bahay sa pag-welcome nang bagong taon. Two of my cousins were there kaya mas magulo at mas masaya kami sa bahay. At sabi din nila ulit, kailangan tumalon sa pagpasok nang bagong taon para tumangkad. Pero hindi na kami nakatalon. Nag-ingay na lang kami at nanood nang mga fountains sa labas. At eto ang pinalit namin sa pagtalon, ang pag-pose sa camera. Hehe.










Ugali na rin namin ni mommy na bumati sa mga daberkads niyang neighbors. Oo, madaming daberkads ang mommy ko. Hehe. Kaya pagkatapos nang mga putukan, may ilang bahay ang binibisita namin para batiin nang "Happy New Year", at para tumikim na din nang handa nila. Hehe. Just kidding.


Dahil unang araw nang bagong taon, di dapat muna matulog pagkatapos nang putukan. Dahil makukulit itong mga pinsan ko, isabay pa ang napaka-kulit ko ding kapatid, wala kaming masyadong ginawa kundi itong mga ito....







Alam niyo naman ako, pag sinapian, may topak talaga. Hehe. At si Khenzo, ang unang napag-tripan sa bagong taon. Hehe. Mga adik lang di ba. Hindi pa kami nakuntento dun. Tinawag ang buong cast, isinama din ang laging game kong mommy, ayun, nakigulo na din. Oh what a happy first day of the year. Hehe.







Hindi pa kami nakuntento. Tinodo na namin. Nagbiritan naman kami. Contest kaming tatlo nang kapatid ko at ang isa kong pinsan na ikinagulat ko din ang pag-develop nang boses. Awit kung awit kami. Birit kung birit. Walang pakialam sa mga kapitbahay kung tulog na ba sila o hindi. Basta magsasaya kami. Hehe. Sinabayan pa nang binili kong Tanduay Ice. Pati family ko, in-introduce ko sa bago kong kina-aadikan. Hehe.






All in all, the celebration was just so memorable. Ang saya. Happy din ako kasi magaling na si mommy, unlike nung christmas, may sakit siya. Actually, the previous year, nung bagong taon naman siya may sakit. Kaya buong taon siyang sakitin. I hope this year, hindi na.

To all my readers (naks, akala mo napakarami), I am wishing you a bountiful new year. Year of the rabbit daw, year daw nang mga ma*******. Alam niyo na yun. Hehe. But kidding aside, I hope everyone will have a great year. And to my one and only hubbee, from our first new year celebration...


To our second...


I hope there will be more new year to celebrate for both of us. Thank you and I love you!!! Hubbee, ang laki na nang pinayat nang pisngi mo from last last year. Hehe. Congratulations!!!! Ako ganun pa din. Huhuhu. (so what!). Hehe.


Wow, parang naging sulat bigla kay hubbee ang naging ending nang entry kong ito. Hehe. Happy New Year again everyone!!! Happy happy lang this year! Laid back daw ang year of the rabbit. Good year for traveling. Ay! Perfect!!!

No comments: