Thursday, January 6, 2011

Si Jimboy At Si Jollibee

Okay, tapos na ang mga seryosong travel blog ko from our Bolinao Adventure. Eto na ang nakaka-aliw na bahagi nang aming adventure. First, meet Jimboy...


Hehe. Naalala niyo ba ang nakakainis na si Jimboy Salazar na umeksena sa buhay ni Mahal dati para lang sumikat pero umamin na last year na Jimgirl talaga siya. Yuck talaga! Haha. Ang bad niyo!!! Anyways, hindi yan ang Jimboy na tutukuyin ko dito sa entry na ito. Hehe. Eto ang tunay na Jimboy...


Okay, siyempre hindi ako si Jimboy. Ako si James a.k.a. Von Viajero. Hindi din yung babaeng katabi ko, siya si Joy, na mukhang galit na naman to someone. Haha. Ang tinutukoy kong Jimboy ay...

Yung puno.

Joke!

Yung sasakyan ni Chi. Yun ang tawag niya sa car niya. Napaka-glamorous noh. Hehe. Mahabang istorya kung bakit Jimboy ang tawag niya. Basta may history. Basta siya si Jimboy. Umalis kami nang Alabang na napaka-linis ni Jimboy. Pagdating sa Bolinao, isa na siyang powdery Jimboy. Haha. Punong puno nang alikabok.

Salamat kay Jimboy at sa amo niyang nag-offer na gamitin si Jimboy sa trip na ito. Isa na siyang kaladkaring car. May kapatid na si Khenzo ko. Hehe. Pag-uwi niya sa kanila, ang salubong sa kanya nang yaya ni Chi...

"Jimboy, anong nangyari sa'yo??? Anong ginawa nila sa'yo???". Hehe.

Pagkatapos ni Jimboy, meet naman si Jollibee...


Naging memorable si Jollibee sa byahe namin. Bakit? Saktong dinadatnan kami nang gutom lagi in the middle of our byahe at wala kaming makitang maganda at masarap na kainan. Kaya papunta at pauwi, panay ang dasal namin nang Jollibee. Nagmistulang santo si Jollibee sa buhay namin nang mga oras na yun dahil sa gutom. Haha.



Although si Ronald McDonald ang tumugon sa dasal namin nung papunta kami nang Pangasinan kahit si Jollibee ang dinadasal namin, sinagot naman niya kami nung muli namin siyang dinasal at hiniling nung pauwi na  kami. Sa Camiling, Tarlac na kami nakakita nang Jollibee kaya kung anong ligaya namin nung makita namin ang store na yun. Hay! Nakakatawa talaga.

Kaya para sa mga babyahe papuntang Pangasinan, I highly suggest na magbaon kayo nang food sa sasakyan. Nang hindi maging santo si Jollibee sa buhay niyo. Hehe.

No comments: