Saturday, December 11, 2010

Breezy

Malapit na ang Pasko mga blog readers!!!

Malamig na sa labas. Mahangin na. Tinatangay na ang baby bangs ko pag naglalakad ako sa labas. Haha! Ramdam niyo na ba ang Christmas breeze? Ramdam niyo na ba ang lamig nang simoy nang hangin? Ang sarap. Ang lamig. Parang gusto ko tuloy bumalik nang Tagaytay dahil ngayong panahon ang masarap mag ganito...



Hindi ako nagpe-play station sa unang picture. At di rin ako nag-go-golf sa second picture. In fairness, ang saya saya ko doon sa picture na yun. Haha.

Gets niyo na ba kung ano ang masarap gawin doon ngayon?

Very helpful ba yung mga unang pictures?

Haha.

Fine! Eto na...


Yes! Masarap mag-kiting sa People's Park ngayon. Na-try niyo na ba yun???




Malakas ang hangin ngayon doon. Ang sarap magtata-takbo para lang makalipad ang saranggola ni pepe. Tiyak at sigurado na pagpapawisan ka pero hindi mo mararamdaman kasi malamig. Pampapayat din yun ha.




Sarap lang maging bata uli. Noong una kong na-try ito last February of this year, super nag-enjoy ako. Kita naman sa mga pictures. Haha. A must try. At mas masaya pag kasama mo ang mga kaibigan mo at siyempre, ang mahal mo na kasabay mo sa mga trip at pagti-trip mo sa buhay. Hehe. Yaan agad ang naalala ko nung hinangin ang baby bangs ko kagabi. Gusto ko mag-kiting!!! Hehe.


Ayan, that's what I want to see when I come back there. Haha! With grasses, butterflies, balloons and sunny sun. Haha! Oh well, that's just my super crazy imagination. Dahil even if I want to go tomorrow to Tagaytay and go kiting again, hindi mangyayari yun. Kasi...

Sira yung baterya ni Khenzo. I'm so stuck in our place.

Kaya...

Mag-eeasy breezy walk na lang ako sa labas. Yun na lang. Haha!

No comments: