Thursday, December 30, 2010
My Last Entry For 2010 Is For You
Para kay hubbee,
Ang taong 2010 ay ang unang buong taon nating magkasama. 365 na araw na halos magkadikit ang mga mukha natin kaya tuloy napagkakamalan tayong magkamukha na. Pero alam naman nating di totoo yun. Ang mukha mo'y habaan at maputi, ako nama'y bilugan at kayumanggi. Ang katawan mo'y manipis, ang katawan ko'y makapal. Hehe.
Pero 365 days mo akong tinyaga, inasikaso, nilutuan nang masasarap na pagkain kaya lumobo ako nang ganito. 365 days mong sinalo lahat nang matatamis, malalambing at mga OA kong gestures. 365 days tayong halos walang sawang nagkilitian sa kama at tumawa bago matulog at paggising. 365 days mo akong minahal. Isang taong puno nang pagmamahalan.
Ano pa nga ba ang mahihiling ko. Kasama kita sa lahat nang lakwatsa. Kasama kita sa lahat nang lungkot at saya. Sa pag-explore natin sa iba't ibang supermarket, sa paggupit ko nang buhok mo, sa pagtitiis mo sa katamaran ko, sa paglalaba at pagpa-plantsa nang mga damit ko, sa pagpuri sa akin pag maganda ang porma ko o maayos ang buhok ko, sa pagpa-panic buying natin nang mga pirated DVD sa Ruins, sa panonood natin nang mga movies sa mga malls
At higit sa lahat, sa 12 provinces na nilakbay natin ngayong taon na ito.
Sa tulad kong sawain, masaya akong hindi ako nagsawa. Sa halip, lubos akong masaya. OA na nga tayo minsan. Lumagpas lang ang 12 hours na di natin nakikita ang isa't isa, nami-miss na natin ang each other. Akala mo di magkasama sa bahay. Andaming alaala nitong taon. Mga bagyong dumaan, mga problemang sinapit natin at pareho nating sinuong, pero lahat memorable. Lahat talagang ang sarap alalahanin.
Kung may ipagpapasalamat ako sa Diyos sa taong 2010 ko, ikaw pa rin ang una sa listahan. Ikaw ang nandiyan sa tabi ko sa lahat nang nangyari sa akin sa taong ito. Masaya ako. Walang pagsisisi. At lubos kong ipinagdarasal na mas lalong magiging matibay ang relasyon natin sa darating na taong 2011. Madami pa tayong lalakbaying lugar na magkasama. Marami pa tayong mga taong makikilala.
At madami pa ring lalakeng pilit na sisira sa relasyon natin para makuha lang tayo. Yuck! Ang gwapo natin? Haha.
Para sa'yo hubbee, maraming maraming salamat. Sana huwag kang magsasawa sa akin. Aminado naman akong tamad ako, walang alam sa bahay, pinupuno ko na lang sa paglalambing. Enjoy ka naman dun di ba! Hehe.
Happy New Year hubbee...
Happy New Year to us!!!
Wednesday, December 29, 2010
Enchanted Cave
A few minutes from Puerto Del Sol Resort is another tourist attraction of Bolinao, Pangasinan, the Enchanted Cave. It's a great place to relax because of the cool, fresh, clear and clean water. It has an entrance fee of P50.00 if you will swim and P30.00 if you won't. There are staff/guide waiting outside to welcome you and guide you inside, assist you with your payment before you proceed to the cave.
A few steps going up the hill you'll reach the start of the cave going down. So you better watch your steps as there are sharp rocks on your way down. Although it looks to be a huge cave system but you will only be allowed by your guide to enter certain areas. And these are clearly marked by ropes since some areas of the cave has a 10 to 20 drop. Like the one in the middle.
Since I'm a claustrophobic, it was a struggle already being inside the cave but I can't miss the experience. Kaya go pa din si Von Viajero. Ayokong magpaka-KJ. Kaya sinimulan agad ang picture-picture bago pa maubusan nang hininga. Hehe. Ang kasama namin at ang bagong kaladkarin ni Von Viajero na si Chi, nagsimula nang mag-adik sa camera. Panay ang pose. Hehe.
It was time to experience the water. It was time to swim. Nagtanggal na nang shorts si Joy, nagtanggal na nang sando si hubbee, nauna nang simulan maligo sa tubig. Si Von Viajero, naging official photographer sa loob nang cave. Di ko feel maligo. Takot akong mawalan nang hininga. Masaya na akong pagmasdan silang nag-eenjoy sa tubig. Hehe.
Eto na ang highlight nang entry na ito. At Chi, alam ko, na habang binabasa mo ito, nagre-react ka na. Haha! At I'm sure, pag nagkita tayo sa office, babatukan mo ako. Haha!
Eh di nauna na nga sina hubbee at Joy. Si Chi, nagdecide na sumunod at maligo na rin. Eto na, nagtanggal na rin nang shorts. Nahagip na yun nang mata ko na nagtatanggal na siya nang shorts pero kina hubbee at Joy ako nakatingin talaga. Nang malapit nang sumulong sa tubig si Chi, laking gulat ko na lang, kasabay nang mga lalakeng guide na nakatitig kay Chi...
And we found out later na pati pala si hubbee, nakatitig din. So ako, si hubbee, at ang mga lalakeng guide, ay pati din pala si Joy, lahat kami napatitig nang matindi sa butt ni Chi. Alam niyo kung baket?
Haha! Natatawa na naman ako...
Kasi naman, akala namin lahat, walang suot na pambaba si Chi. Aba naman! Nagsuot ba naman nang bikini na kakulay nang balat niya. Eh di lahat kami akala namin nakahubad siya. I swear, I have never been interested with ladies butt pero at that time, napatitig talaga ako sa puwet ni Chi na ikina-straight guy ko. Hinahanap ko talaga yung hati ksi gusto ko lang i-confirm if she was really naked.
Haha! I swear, ilang minuto kong idinikit ang mata ko sa butt ni Chi. Hindi naman para bosohan, hello, pero para ma-confirm lang na kung sakaling totoo, eh ma-protektahan ko siya sa mga nagpi-piyestang mata nang mga lalakeng guide (uuuhhhh). Laugh trip. Siyempre, napag-usapan na lang namin after the visit at the cave. And guess what, hagalpakan lang kami nang sobra sa loob nang sasakyan. Naging memorable tuloy ang Enchanted Cave sa amin.
To those who will visit Bolinao, don't miss to check out the cave. Actually there are two caves in the area pala na medyo in-improve for tourist attraction. But they said, Enchanted Cave is better than the other one, and closer to Puerto Del Sol. Tip yan. Hehe. Here are more pictures we had in the place...
Next entry will be our nice side trip at the Light house and the white beach...
Thursday, December 23, 2010
Puerto Del Sol Experience
If there are words that I can use to describe the resort, they are: Relaxing, Serene, Peaceful, and Beautiful. They offer the the ultimate in elegance, grace and detail. The money you spent for a reservation in this resort is all worth it. And what's good about Puerto Del Sol is that, what you see in their website is what you will see in actual. Walang daya, unlike other resorts na maganda lang sa website pero sa actual, madi-disappoint ka.
Check-in at the resort is 2:00pm and check-out is 11:00am. When you get in, the desk personnel will explain to you their rules and regulations. They will also provide a welcome drink (buko juice) to each of you and a shell necklace which hubbee was so happy to have. Haha. Once everything is all set for your check-in, their staff will carry your stuff. Parking is outside the resort and secured by a guard.
We got an airy interior Mansion Villa room (Room 40) for P5,550 only, and that is good for 4 people already. They have a Pre-Holiday Treat discount in which we have availed of. The room was nice. Cozy, spacious, has tv, mini-ref with mini bar, has balcony with a view of the pool, the beach and the resort. And the bathroom is spacious nad has towel for each guest in the room. Perfect!
We did not waste any time, gotta influence the two new kaladkarin girls. We gotta teach them the "viajeros" way. Kailangan ma-addict din sila sa picture. Hehe.
Outside our room, here are the the things you can see from the resort. They have indoor game area in which you'll get one hour free each day. They have Billiards, Dart, Mahjong, Board games. The place is also wi-fi area, for those who will bring laptop. If you want to have a massage, they also have a massage area which they offer full body massage, foot spa, and body milk scrub. The place is just so green. Lots of plants and trees.
They have a big gleaming pool in the middle of the resort. Sa sobrang puno nang itinerary namin, we weren't able to experience the pool. What we have enjoyed was the jacuzzi which has a schedule of operation. Sa gabi, it's 8:00-10:00pm pero 7:00pm pa lang, we requested na if we can use it na bago may umagaw sa amin, pinayagan naman kami. Yey! Dito kami nagpamasahe sa tubig at nagpaantok nung unang gabi. Hehe.
I swear, nakaka-addict ang jacuzzi. Walang usap usap, kanya kanyang pwesto, kanya-kanyang pa-relax. Tapos sabay lahat kami namumungay na ang mata sa antok. Haha! Sarap!!!
Now, let's talk about the food and drinks. We had a taste of Puerto Del Sol's finest food on our dinner. I ordered a Teriyaki Chicken. Outlier ako. Solo food yung akin. Pihikan kasi ako sa food eh. Sila, nagfiesta sa inorder nilang Pumpkin Soup, Mixed Grilled Meat Platter, Chopsuey and Bangus Sisig. We were served water with lemon squeeze. Masarap din yung bread nila which the resort bakes.
And because it was Joy's second time at the resort at natandaan siya nang Resort Manager, we were given a complimentary fruit platter. That was just a nice gesture, and good memory for the manager. I love Puerto Del Sol. Hehe.
It was an alcohol-free trip for Chi dahil di siya nakainom nang kahit anong alcoholic beverage. Although nagyaya naman siya, naka-ilang yaya nga siya actually pero dahil wala sa amin ang umiinom, wala siyang choice. It was a healthy vacation for her. Good job Chi! Hehe.
For our complimentary breakfast, I had Tocino, hubbee and Chi had Pork Adobo while Joy had Chicken Adobo. We had a good taste also of their fresh watermelon shake when we checked out when Chi bought their mug and Cashew Nuts. If you buy the mug, you get free watermelon shake. And the Cashew Nuts are nice. Yun ang kinain namin sa sasakyan pauwi. Hehe.
The staff of the resort are all accommodating, friendly, nice and warm. Whether you're inside your room, or outside, you will really feel the relaxing atmosphere of the place. Here are more pictures of the resort in which I hope you are already enticed to experience it. Hehe.
And lastly, it won't be a complete beach resort vacation without an experience at the sands of the beach. The water, the sunset, the wind and the sands. perfect Puerto Del Sol!!!
Over-all, my experience at Puerto Del Sol was a blast most especially it was spent with hubbee and good "kaladkarin" friends. Bitin lang nga talaga ang one day. The place is good for 3 days and two nights. Pero kahit bitin, we made the most out of it naman and we had fun. Sarap bumalik. Sulit.
Highly recommended!!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)