Sunday, December 12, 2010

Viajero To Viajeros

I have a plan.

I want to organize a group.

Pantapat sa youth-oriented show na Shoutout.

Just kidding.


On a serious note, I am planning to organize a Group of Viajeros. Since I have big travel plans for 2011, I wanna share this with people who actually shares the same passion. You do not just learn from your travel adventures but you also learn from the people you meet when you travel. How much more from the people that you will travel with.

There are people who have been expressing their interest to join me and hubbee's travel adventures. So naisip ko, why not bring people along with nga naman. Besides, mas masaya pag madami kayo. Bakit?

Una, mas makakatipid, kasi magshe-share na lang kayo sa expenses. Pag marami, mas lumiliit yung share. Nakakalakwatsa ka na, hindi ka pa gagastos nang malaki. Good idea. Pangalawa, dadami na din ang pictures namin ni hubbee together, at mababawasan na ang mga solo pictures namin, kasi may kukuha na nang picture namin. Another good idea. Haha.

Magastos din bumyahe. At kailangan pinaplano yan. Pero iba pa rin ang feeling kapag nakakapunta ka kung saan saan. Ibang klaseng fulfillment. As in! Ibang klaseng joy pag nakakatuntong ka sa ibang lugar. Kaya ginawa kong goal sa buhay ang bumyahe nang bumyahe. Imbes na gumastos sa mga walang kakwenta kwentang bagay, ilalaan ko na lang sa pagbabyahe.

As they say, "Life has to be traveled!".

Besides, it's better to enjoy different places while you are young. Kasi you can do a lot. You can experience different adventures. Walang hadlang. Pwede kang tumalon, luimpad, magpagulong-gulong, sumabit kung saan, basta, kung ano ano. Compare if you're old already, limited na. Also, pag tanda mo, madami kang ikukuwento. Marami kang alaala na pwedeng i-cherish. Ayokong tumanda sa kamaynilaan na walang nararating.

Tsaka iba ka pag nakaka-relate ka with other people when they share their travel adventures. Alam mo yung sinasabi nila kasi nakapunta ka na din at may nakukuwento ka. Mas sad pag nakiki-oo ka lang, walang ma-share, at napupuno ka pa nang inggit sa puso mo kasi di ka maka-relate. Oo, ganun ako. Hehe.

I also found out that there are people who enjoys the same passion that's why it's not a bad idea to create a group na magiging kaberks mo sa pagbabyahe. Mga kasama mong mage-explore nang iba't ibang lugar. Kaso, may problema. Maarte ako. Madami akong rules. Oo, baket ba. Wanna know what are my Seven Rules?

First, kailangan may trabaho. Siyempre, kailangan may pagkukunan nang gagastusin. Hindi pwedeng libre ang pagsama. Kailangan may ishe-share ka. Ang panget naman na pagdating mo sa destination, you will try some activities tapos yung kasama mo, hindi kasi walang pang gastos. Sad yun. Take note, magaling ako magstretch nang budget. Na-master ko na yan. Haha.

Second, kailangan di ka super maarte. Kung kailangang maglakad, magtricycle, mag-jeep sa mga pupuntahang lugar, dapat go. Yun ang tatak nang isang viajero. Kung dito sa siyudad, pwede mag-inarte. Ganun ako eh. Hehe. Pero iniiwan ko yan pag bumabyahe. Kasi di mo mae-enjoy ang experience kung lahat eh comfort zone pa din sa'yo. Sa lugar na tutuluyan lang ako maarte. Basta kailangan malinis at secured. Yun lang naman. Di naman kailangan mahal.

Third, kailangan walang hanky panky plans. Kung straight girl or guy ka, wala na tayong pag-uusupan. Dahil walang mangyayaring masama talaga. Haha. But if you have the same feather as we have, naku, kailangan walang ganun. Isa lang dapat ang goal, bumyahe at i-enjoy ang trip. Ayoko nang mga malalanding lalandi sa gabi. Haha. Kailangan friends talaga. Hindi flirty friends. IMPORTANTE ITONG RULE NA ITO. Haha.

Fourth, at ang pangalawang pinaka-importante, kailangan cam whore ka din. Haha. Kasi mababato ka lang sa amin o maiinis kung di ka mahilig sa camera. Kailangan mahilig ka din sa picture. Yung tipong pag narinig mo pa lang yung word na "picture" eh kumakaripas ka na nang takbo. Haha. Hindi requirement na may camera, but if you have, eh di mas better. The more cameras, the more pictures. Haha.

Fifth, kailangan may personality at hygenic. Baka naman kasi wala kang imik the whole trip, sumama ka pa. Kailangan makwento, may personality, masarap kasama. Mahilig pa naman akong bumangka. I know how to start and handle a conversation, kailangan marunong makasabay. At siyempre, dapat hygenic. Baka naman may putok, o burara, o balahura, naku, you're out!

Sixth, kailangan mabilis kumilos. Hate na hate ko ang mabagal kumilos. Tarantang turumpo pa naman ako. Pagna-i-idle ako, di ako napapakali. I have a very active energy cells. Haha. Kailangan go lang nang go lagi. Kailangan hindi matagal mag-ayos. At kailangan hindi din late. I hate late comers!!!

Additional requirements:

1. Kailangan gwapo
2. Kailangan hunk and sexy
3. Kailangan matangkad
4. Kailangan marunong gumiling

At siyempre, joke lang yan. Hehe. Eto ang last...

Seventh, if you will be a gay guy, sana medyo discreet. Hindi yung pa-girl. Hindi ako nangdi-discriminate ha, sabi ko naman from my previous entry, hindi lang talaga ako comfortable with those kind of people. Pasensya na. Ayoko din kasing tinatrato as gay sa ibang lugar. Alam niyo na. I hate it. Mas di open ang mga tao most especially sa provinces.

Ayan, yan lang naman ang general rules. Konti noh. Haha. At ngayong nakalatag na ang mga rules, I'm sure, ang bilang nang magiging miyembro nang grupo ko ay...

Isa!

Haha. Just kidding. Masaya naman kaming kasama. At siguradong mag-eenjoy kayo. Kasi kinakarir ko talaga ang pagplano nang bawat byahe. At siyempre, ayokong nasisira ang pinlanong byahe nang dahil lang sa kasama mo. So to make sure the trip will be a success and memorable, I need to make sure that the people joining are good company. Para masaya lang.

I read a lot of travel stories from different blogs and from there, nakakabasa ako nang mga away-away, gulo, byaheng napurnada, byaheng nasira dahil sa kasama, mga relasyong nabubuwag. Ayoko nang mga ganun. Bad trip yun. Kaya nga nae-enjoy namin ni hubbee na bumyahe kahit dalawa lang kami. Kasi para kaming naka-energizer. Walang kapaguran. Go lang nang go. Punta kung saan saan. Eh pag may kasama ka, may aalalahanin ka pa.

Pero alam kong masaya din pag may kasama. Yan naman ang gusto at plano kong i-experience next year. Para dumami naman friends ko. I may have 1,446 friends sa Facebook, pero di lahat doon eh true friends ko. Mabibilang lang sa mga daliri ko ang tinuturing kong friends sa buhay ko, napaka choosy ko when it comes to friends. Mapili talaga ako.

Pero I realized, at napag-usapan din namin ni hubbee yan one time that I really have to expand my network. Masyado na daw maliit ang mundo ko. So fine, makipag-friends na nga. Pero pipili pa din ako. Kasi swerte naman talaga sa akin ang nagiging friend ko kasi "friend" talaga ako. So there, that's my plan. Pero pag-iisipan ko pa rin ito.

If there's someone interested to join and be our travel buddy, or buddies, or help me organize this group, email me at peter.parker231@gmail.com. Kailangan ko nang Vice president, Secretary, Escort tsaka Muse. Haha. Just kidding. Walang ganun ganun. Ayoko din nang formal group. Wala ding membership fee. Basta, mga ka-trippers lang. Yung disenteng trip ha.

Malay niyo, magkaroon tayo nang travel show sa tv in the future. Haha.

It's time to conquer the world next year. For those who want to join and be a viajero too...

Tara na, byahe tayo! Toink! Hehe.

1 comment:

Miguel said...

i like this :)
I'll send you an email