The most exciting month of the year for me aside from my birthday month is December. When all kids are excited to receive gifts this month, I do have the same kind of feeling. Yun nga lang, hindi pagka-excite sa pagtanggap nang gifts. It's the other way around. I'm excited to give gifts this month!
Panata na ni Von Viajero every year na magbigay nang mga regalo. Pero wait, hindi sa lahat nang tao ha. Hehe. Sana lang sobrang yaman ko para nagagawa ko yun. Pangarap kong magawa yun once in my life. Kaya sana, dinggin ako nang universe. Hehe. Ibang klaseng "high" yung feeling na nakakapagbigay ako nang regalo, yung nakikita mo yung tuwa sa mukha nang pinagbibigyan mo.
I guess for me, I feel more better and fulfilled when I give than receive. I also see it as a sign of how I am blessed. Kasi nga, hindi ako yung tumatanggap, ako yung nagbibigay. Minsan, dati, kahit wala akong masyadong kainin sa trabaho, basta nakabili ako nang mga regalo sa mga taong malapit sa akin, mga kaibigan ko, at sa pamilya ko, sulit na sulit.
Hindi naman kailangan mahal ang regalo. As they say, it's the thought that counts. At di ako masaya pag di ko nabigyan nang regalo ang mga taong naging mabuti at mabait sa akin. Yung mga naging bad sa paligid ko, di ko binibigyan nang gift. Bad sila eh. Hehe. Kaya excited na akong mag gift giving next week. Yan ang schedule ko. Uunahin ko muna ang mga kaibigan ko sa work. Then sa family naman on the christmas eve itself.
Ang strategy ko this year, magsimula nang maaga sa pagi-ipon nang regalo. Hindi isang bagsakan pagdating nang December. September pa lang, bumibili na ako nang regalo. Paunti-unti. Saya! Ayan, ready na sila for distribution. Hehe.
Thank you Lord for the opportunity to give. May the spirit of Christmas be alive in every hearts of my readers =)
No comments:
Post a Comment