Thursday, December 2, 2010
Sa Bahay Ni Lolo
After my Laoag trip last week, the following saturday, Von Viajero had another get away. But this time, I was not with hubbee but with the company of friends at work. Pahinga naman with hubbee, kakasawa na (haha, just kidding, actually dapat kasama siya, nag-inarte, tinamaan nang hiya, hindi na sumama).
We went to Los Banos, Laguna, at the ancestral rest house of the Villarruz clan courtesy of our good friend Benjo to have a good time, bonding and just relax.
It was not my first time in this place. This is where we had our team building before. Before when my weight was not the same as what I have today. The memories of that team building reminded me again how I have gained. And how my good friend Chi kept on reminding me of that (sabay himas sa tiyan ko, huhu). Damn! See our old picture last year, March 14, 2009.
Ayan, sila ang aking TGIS barkada noon. Sila ang mga kasama ko sa unang tapak namin sa rest house na yun. All of them ay kasamahan sa office. Unfortunately, two of them are gone. Gone in the office. Hehe. Si Benjo pala eh yung naka stripe na blue polo shirt. Siyempre dalawa sila. Hehe. To make it easy, yung matangkad, yung nasa gitna nang dalawang naka-black. We call him "Wax". Kamukha niya kasi si Bobby Andrews dati.
Ayan. Ganyan ang itsura ko dati. Huhuhu. Shet na malagkit. What did just happen to me??? Haha. Although a lot of friends have said that my weight is better than before. And as brutal as they say, mas mukha daw akong drug addict dati. Ang honest nila noh. Di kaya! Hehe. But seriously, seeing this picture is killing me. What did really happen to me!!!! How can I get back to that shape!!! Haha.
Anyways, bakit sa Bahay ni Lolo ang title nang entry ko?
Ang ancestral house kasi ay pag-aari ni Paciano Rizal, brother of our hero Jose Rizal. Paciano Rizal is the great great grandfather of Benjo. They turned the house in to their rest house, which happens to be a public museum before. So that's why the house beside the pool has "memorabilias" of the Rizal clan history. So there. Okay na?
Going back to this place to have great time with friends and just relax also brought back the memories of the first time I was here. Some things did not actually change, but there are a few that did. Let me show you those things. Hehe.
Noon... Ang humakot nang madaming picture sa outing na yun ay ang aking BFF na si Drew. Halos karamihan nang pictures eh kasama siya or solo niya. Always present, never absent ang drama.
Ngayon... Ang star na ay ang aking "kabit" na si Joy! Hehe. Siya naman ang laging nasa picture madalas. Kasi late nang dumating si Drew. Hehe.
Noon... May nagpo-pose sa ihawan area. May evidence lang kung sino ang mga magigiting na taga-ihaw. At siyempre, naki-pose lang ako diyan. Hindi ako maaasahan sa mga ihaw ihaw. Hehe.
Ngayon... Meron pa din!!! Yun nga lang, mga shy na ang mga barako boys. Talikodgenics na silang lahat. Hehe.
Noon... May masayang videoke session with the gang. Kanta to the max lang. Birit kung birit.
Ngayon... Meron pa din!!! Kahit gabi pa yan. At pansinin niyo, kung nasaan ang mic, andun din si Chi. Hehe. Mahilig umawit!!!
Noon... Dalawang barako lang ang nakatoka sa pag-ihaw nang liempo...
Ngayon... Dalawa pa din (ano kaya yun, may maidagdag lang). Haha!
Noon... Kasama siyempre ang inuman. At present doon si Daddy Elmo, kasabay ang malaking Red Horse...
Ngayon... Di pa din mawawala ang inuman. At siyempre, kasama pa din si Daddy Elmo doon. Walang pinapalagpas. Always present. Di mawawala. Haha! At naka-the-bar na sila ngayon. Lumevel up na!
Noon... Nilunod sila nang napakadaming masarap na pagkain na luto ni Benjo. Kita naman sa mukha ni Drew ang pagkalunod niya sa kabusugan. Haha.
Ngayon... Hindi pa din nawawala ang magic ni Benjo sa mga pagkain. Patok sa takilya pa din. The best na cook talaga si Benjo!!!
Noon... Etong dalawa kong pinakamamahal na kaibigan ay nagsusumiksik sa kasaganaan sa buhay ang mga bewang. Parang mga contestants lang nang Biggest Loser Asia.
Ngayon... Ganun pa din sila! Haha. Just kidding. Nabawasan na ang timbang nila pagbalik sa bahay ni lolo. Mga 1 pound. Haha. Just kidding uli. They are prettier and sexier with their curves. Oh ha! Bumawi ako. Haha. Ako naman ata ang nadagdagan, bumaliktad. Shet!
Noon... Siyempre, di mawawala ang picture sa pool pagsapit nang gabi. Diyan buhay na buhay kaming lahat. Mga nocturnal ba naman kami lahat.
Ngayon... Meron pa din! At may kanya kanya pa ring pose ang bawat isa. Hehe. Tsaka ako na nga lang ang kumukuha nang picture ngayon!!!
Noon... May takam na takam sa mga niluluto ni Benjo kahit di pa lunch time. Mga may maiitim na balakin na unahan ang lahat...
Ngayon... Akala namin, patas na. Ngunit hindi. Meron pa din. Mga hindi maka-resist sa temptation. Haha!!!! I love you Chi!
Noon... Ganito pa magpa-cute sa picture si Benjo habang bachelor pa...
Ngayon... Ganito na siya. Nakawala sa hawla. Lumevel up na siya di ba. Naging tatay na kasi. Haha!!!
Noon... May picture ang buong tropa sa statwa ni Lolo Paciano...
Ngayon... Siyempre, meron pa din. Mawawala ba naman yun!!! I think it's a must na siya. Hehe.
Noon... Pati sa patio tapat nang plaza, may group picture din. Para lang contestants talaga nang Biggest Loser Asia ang mga kasama ko noon. Look at them! Ang si-slim nilang lahat. Ako pa ang pinaka payat nun. Lintek!
Ngayon... Meron din ang maka-bagong tropa na picture at the same spot. Pero ang difference ngayon, eh ang mga kasama. Medyo diverse na when it comes to waist line. Haha! At di na ako sumali, alam niyo na. Haha!
Noon... Masaya kami buong araw. Relax relax lang. Happy under the sun. Kita naman sa mga ngiti namin...
Ngayon... Mas masaya kami. Joke! Masaya din. Relax relax din. Sarap talaga magbabad sa tubig kasama ang mga ganitong kaibigan!
Oh well, those were the days. And the day that we just had. Masaya talaga sa bahay ni lolo. Relax ka lang, paglulutuan ka pa nang masasarap na pagkain ni Benjo. Sayang at wala si hubbee, paborito pa naman niya yung mga niluto ni Benjo last saturday. Hipon, alimasag, liempo at chicken. KANIN!!!!
Pero ang wala noon, at meron ngayon, ay ang mga kaadikan nilang magtata-talon sa pool, ang mamalengke sa palengke malapit sa munisipyo, at ang manghulog nang kasama sa pool nang sapilitan. Haha!
Shocks! Naalala ko tuloy, may long buntot pa ako noon. Haha. Pumapanata pa ako noon. Saka ko na ikukuwento yung tungkol sa panata na yan, nasa old blog ko yung story nun. Ire-repost ko nga yun. Hehe.
Oh well, dinulutan man ako nang malaking depression to see my "old me" pictures, eh ano naman! Haha. Kulang ang buhay ko dati kasi single ako noon. Kaya biniyayaan ako nang kapayatan. Ikinalobo ko man ang pagkasaya ko ngayon dahil di na ako single, wag na dapat akong magreklamo. Masaya naman daw ako. Hehe. Pero, shet, nami-miss ko talaga yung katawan ko dati. Hindi ko na nga masuot ang sando na suot ko dito...
Haha! Oh well. Going back. It was a nice time hanging out with good friends. The travel, the swimming, the salo-salo, the videoke, the stories we all had last saturday were all memorable. Sarap. Ulitin natin. Hehe.
Buti na lang, andiyan ang bahay ni lolo...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
I super love this entry James! tawang tawa ako! haha! ~Jing!
Haha. Actually ako din, natatawa habang sinusulat ito. Di ka nagiisa. haha!
Post a Comment