It was supposed to be me, hubbee and 2 other friends who have promised to join us in this Pangasinan adventure. However, on the night before the day that we are about to leave, they backed out. Blacklisted na kayo. Haha!
Then it was just the two of us.
Okay lang, sanay naman kami ni hubbee na kaming dalawa lang ang magkasama sa mga lakwatsa. Pag may gustong sumama, at pag okay naman kasama, go kami.
Then inatake na naman ako nang sakit kong mangaladkad nang biglaan nang mga tao. Hehe. But the question at that time was, sino naman kaya. Hehe.
Wala naman si Jze dito sa Pinas na napakadali kong kaladkarin dati. Ang mga cheequitas naman, malabo nang mga oras na yun. Konti na lang ang oras to make "pangangaladkad" possible. Bigla pumasok sa isip ko si Chi, ang dati kong boss sa office. Naalala kong naging interesado siya nung binanggit ko yung lakad namin dati pero madami siyang alinlangan.
"Chi, Bolinao tayo. Tara na!"
Unang hirit ko. "Ano ka na, wala pa akong tulog". Sagot niya.
"Game na, masaya ito. Paliligayahin ka namin ni hubbee". Pangumbinse sa kanya. At pagkatapos nang ilang sagutan sa text, at mga terms and conditions agreement, napapayag namin siya. Yahoo! My new kaladkarin friend. Haha. And guess what, she offered to use her car instead. Ang saya. She just picked us up at our place, left Alabang nang 6:00am and off we went to the North.
Bumili lang ako nang pandesal sa Pan De Manila. Nagluto lang si hubbee nang scrambled egg palaman sa tinapay. Yun na ang breakfast namin sa daan. Threesome itong byaheng ito. Third wheel si Chi. Haha. We stopped by at the Gas station sa NLEX to buy coffee. Matibay itong si Chi, siya pa ang nag-drive. I wanted to, kasi automatic yung car niya, di ako marunong mag-drive nang automatic. Toink!
Habang nasa daan, pinagpa-planuhan na namin ang magiging itinerary namin sa Bolinao. At habang pinag-uusapan din yun, panay din ang banggit namin nang mga taong sana kasama sa lakad. Then suddenly, pagdating nang Pampanga, bigla naming naisip si Joy, isa ko pang friend sa office. Boss naman niya si Chi. Saktong nasa Pampanga siya at that time, umuwi sa kanila.
"Joy, utos ni Chi, sumama ka daw sa Bolinao. Bawal humindi". Text ko sa kanya.
Siyempre, ginulantang namin siya nang kaaga-aga. Haha. At matapos din ang maraming terms and conditions, napapayag namin siya in her comfort na susunduin namin siya sa house nila sa Mexico, Pampanga. Haha. Ang threesome, biglang naging orgy na. Haha. Apat na kami. Another victim. Another kaladkarin. Buti na lang di niya kasama ang daughter nita umuwi. It was perfect then!
Actually, pagkatapos ni Joy, nag-isip pa rin kami nang pwedeng mabiktima. Kaso wala na. Ayun, hinawakan ko na ang mapa at sinuong na namin ang byaheng Pangasinan. Pareho naming di alam ni Chi papunta doon. Siya ang driver, ako yung pilot. Si Joy, nakapunta na dun but she is bad with directions kaya sa back seat lang sila ni hubbee. Passengers of the ride.
Okay, so those who will plan to go to Puerto Del Sol, here's how we got there. May this direction be helpful to anyone.
After the long drive in NLEX towards Mabalacat, Pampanga and after passing exit of Dau, exit to SCTEX (Subic Clark Tarlac Expressway). After the toll, you will see two roads, one going to Clark if you go straight, and one is turning right which is the one you should take. It was actually my first to pass on that road. And I must say, it was a perfect expressway. Nice!
After passing Dolores and Concepcion exits in SCTEX, take the Hacienda Luisita exit and pay P69.00 for the toll. We drove up to the main road, the end of the hacienda area, in which, by the way, was a huge hacienda for the aquinos and the cojuangcos. Yaman nila! Hehe. Deretso lang. Then from there, turn right going to Tarlac City.
Just follow the main road until you get to SM Mall Tarlac which is on the left side of the road. Deretso lang until you see the Mercury Drug store. It's a junction so turn left.
From there, dere-deretso lang until you get to McDonalds. From there, you have to turn right.
You will pass Fuji Film store and Tambunting Pawnshop. From there, turn left. Saglit lang yun.
You will then pass over a bridge, deretso lang. That's the Aquino bridge. Medyo bottle neck lang dun kaso junction din siya. Two way road lang siya.
You will now head to Camiling, Tarlac. Ang guide mo are the Jollibee signs. Basta dere-deretso lang din. When you finally see the Amigo store sign, malapit sa Shell gas station, turn left. Don't be confused kasi may madadaanan kang unang Shell gas station, Di pa yun. Dapat yung katabi nang Amigo. Medo malayong byahe siya from the Aquino bridge.
Then start following the Blue 100 Islands directional signs. Yun naman ang magiging guide mo. It's one left turn and one right turn. Just follow that sign.
Then it's going to be a long travel to Tarlac, passing different towns like Mangatarem and Aguilar. Then pagdating sa Bugallon town, at the junction uli, you will see an old Puerto Del Sol billboard, tamang laki lang, turn left. Wag dederetso, wrong way yun.
Then passing different towns again like Labrador and Sual going to Alaminos, Pangasinan. Medyo malayong byahe uli ito. Dere-deretso lang uli. It's been how many hours already at gutom na gutom na kami. The last time we saw a Jollibee eh sa Camiling, Tarlac pa. Gusto na namin kumain. Ihing-ihi pa kami. Kaya kahit anong maayos na restaurant, gusto na naming patusin.
But here's the wonderful catch.
Lahat nang madadaanan naming restaurant, kung hindi sarado, ginagawa. Perfect. Ang mga mata namin, panay ang titig sa mga karatula at road signs hoping na may malapit nang Jollibee or McDonalds. We were literally crying for Jollibee like kids. Hehe. Kahit ano, actually, papatusin na namin. Kaso, wala. Sobrang layo nang byahe, probinsya na. Waaah.
Until we get to Alaminos, an improved city at doon kami naka-kita nang McDonalds, hindi Jollibee. Sobrang saya namin sa McDo. Yung feeling na hindi pa kami nakaka-kain sa McDonalds. Ganun! Haha. Umihi muna then order na nang food. Sarap! Siyempre, naka tingin sa amin ang mga tao. Kasi sa McDonalds, nagpi-picturan kami. Haha. Then we left after our so called lunch.
Continue following the road. Don't be confused when you get to Alaminos town proper because you will see a lot of signs.
Just go straight until you get out of the town proper and reach Bani. At the town, you will reach a right/left turn roads, you will see a blue sign showing Bolinao is turn right. Take that direction. Then dere-deretso lang passing the junction road of Anda town. Malapit na yun.
Then at your left, you will see another blue signs showing direction going to Cape Bolinao Lighthouse, different bolinao beach resorts, turn left. Then dere-deretso na until you reach Puerto del Sol. We were so happy and thrilled to get there. Papunta pa lang nang resort, makikita mo na yung dagat. Saya! It was 1:00pm when we got there. It was a 7-hour drive din. Whew!
Puerto Del Sol sends your confirmation booking and directional map once they get your deposit via email. The map was helpful pero there were moments na maco-confuse ka kasi kahit na detailed yung directions nila with matching pictures pa, siyempre, hindi naman lahat dun maisusulat nila. Ang goal ko at that time as Chi's pilot was not to make mistake. I was successful naman. I was very attentive na para akong geeky pilot. Hehe.
I'll tell you our experience in Puerto Del Sol and Bolinao, Pangasinan on my next entry!
No comments:
Post a Comment