Sunday, November 21, 2010

My Harry Potter Weekend


It's the latest buzz in the town. Twitter is flooded with information about it. The showing of Harry Potter 7. Have you seen it already? It's like the whole society is rushing to cinemas to see the movie on its first day. For me and hubbee, this was our Harry Potter experience. Hope someone can relate to our story...

After the Salcedo Park breakfast last saturday, I got home at 10:00am and went straight to bed. Hubbee and I decided to see the movie early afternoon because for sure, punong puno na naman ang ATC nang mga tao. So we slept for a few hours, woke up, prepared and went to Alabang Town Center. We got there nang 4:30pm. I was not surprised anymore to see a lot of people. As expected.

Tiningnan ang schedule. Pumila. Naghintay.

Pagdating sa counter, ang available na lang daw ay 10:30pm. Wow! Kamusta naman! 6 hours kaming maghihintay? No way, high way, sky way! We left the booth ticketless. Damn! Fine! Sayang ang araw, konti lang ang tulog para dito pero hindi successful. And sumagip sa saturday date namin ni hubbee, etong taong ito...


Yeah, si Regine Velasquez. Tinext ko siya, sabi ko "Are you free? Let's hang out!". Nagtext naman agad siya.  Free daw siya. I asked her, "Asan ka ba ngayon?". "Nasa ATC ako ngayon, kayo?". Wow! Sakto. So nagkita kami sa Activity Center nang ATC. Sosyal namin noh, katambay namin nung sabado at sumagip sa amin sa failure namin with the movie Harry Potter, si Regine Velasquez.

Haha. Just kidding. Pero totoong nasa Activity Center si Regine that day. It was her Album Launch kaya nanood na lang kami ni hubbee. Sakto naman. She has lost weight, and still pretty. Yun nga lang, parang si Mariah Carey, medyo gumagasgas na ang boses. It's because of her age na rin. But her new album is promising. Daming magandang songs.


Di na namin tinapos, umikot na kami para maghanap naman nang Microwave oven. Christmas gift ko daw kay mommy. Hiling niya yun. Siyempre, prepared yun every year, same month. Kasi alam niya, may bonus na ako. Haha. Mautak! After buying, tumambay na kami sa Powerbooks, sa Starbucks Coffee and went home nang 9:45pm.

Sabi ko sa sarili ko, bukas na lang ang Harry Potter.


Sunday, umuwi kami ni hubbee sa laguna. We spent the whole day there. Pagdating nang hapon, we went to attend the mass and went to SM Muntinlupa after. Andun na kami nang 6:30pm. Ikot-ikot. Punta sa mga stores, sa Ace Hardware, kumain sa Chowking. Pagpunta ni hubbee sa CR, I checked out the movie house for the Harry Potter movie. And to my surprise, ubos na rin ang ticket. F*cker!!!!

Kainis ha. Ayaw akong panoorin nang Harry Potter. Loser!

Di bale, pagbalik na lang siguro. Makikita din kita Harry. Tandaan mo yan. I'l be back!!! Promise. And I hope di kami nag-iisa with this experience. Haha!

2 comments:

Anonymous said...

Siguradong hindi ka nag-iisa dito, marami pa rin akong kilalang di nakakapanood nito. Pero nagandahan ako ng sobra sa film.

Von Viajero said...

Shet, can't wait to see the movie...