When my boss is out of the country, it's automatic na wala akong pasok. That's one of the good things sa aking work. Either personal trip o business trip niya, wala na akong pasok niyan. Masaya minsan kasi nakaka-leave ako pero kapag andiyan naman siya, I make sure talaga na huwag umabsent. Malaki din kasi ang role na ginagampanan ko sa trabaho niya.
I was given a one week leave dahil meron siyang personal trip sa Hongkong with her family then kasunod naman ay ang business trip sa India. Masaya ang unang linggo ko sa bagong taon kasi pahinga talaga. Although walang trip, walang lakad, "hubbee week" ko talaga siya. Rest talaga. Nag-stay lang ako sa pad. At tinapos ko ang matagal ko nang inaasam na tapusin. Ang album ko...
Tatlong araw ko din yang pinagtuunan nang oras. By the way, di siya album na kanta ha. Hehe. It's a collection of all the pictures of my adventures. So andami talaga. Although may final touch pa, at least I am almost done. Yehey! Last friday naman, we were visited by our friend Joy and she brought along Carrie with her, her cute daughter. Nagkwentuhan lang kami at pinag-swimming namin ang bata. So cute!
Mahilig talaga kami ni hubbee sa bata. We always love playing as daddy or tito sa mga anak nang mga friends namin. Hehe. Minsan nga substitute dad kami. Hehe. Mahilig din kami magpatuloy nang mga friends sa aming mumunting kublihan. Masaya pag may bisita eh. Hehe. Nung saturday naman nang umaga, umattend kami ni hubbee nang binyag slash birthday nang pamangkin ni Chi sa BF Homes. Photographer mode.
A few friends from work also attended the party. Drew and Joy were there, together with their little cutie cute kids Kyle and Carrie. Nag-enjoy akong mag-substitute dad kay Kyle. Sobrang cute nang batang yun. Nakalimutan ko nang kinuha pala akong photographer ni Chi. Hehe. At ang mga handang food, naku, kinalimutan ko ang plano kong magpapayat uli. Hehe. Ang sasarap! Hay!
Kinagabihan naman, we were expecting few friends to visit us for some inuman sa pad. We were expecting mga 8-9 people pero drawing na yung 7. Hehe. Yung dalawang cheequitas lang ang dumating. Nagluto pa naman si hubbee. Hehe. Pero sakto na din, matagal na rin kaming di nakakapag-bonding nang mga cheequitas, although wala si Hazel, tinuloy na namin nila Ash at Drey sa JR's Carwash and Bar sa BF Homes. Nag-videoke kami.
Ang saya. Nag-enjoy ako sa place. Simpleng videoke bar lang siya pero nag-enjoy ako sa sound system. Buo ang boses ko. Babalik uli doon. Hehe. Nag-enjoy din kami ni hubee sa tokwa't baboy na first time namin makatikim. Wala sa bundok eh. Hehe. Pagkatapos, balik na sa pad. We called it a night at umalis na ang mga cheequitas. Hay, saya nang saturday night.
Last night naman, we went to ATC para manood nang movie. Na-miss namin. We watched The Little Fockers. Sobrang nakaka-aliw. Tawa ako nang tawa. Kulit nang movie. Tumambay din kami sa aming favorite hang out place, ang Powerbooks. Ilang magazine na naman ang in-attack ni hubbee. Bukas lang nang bukas, walang takot. Hehe. First date namin ni hubbee for 2011. Hehe.
Back to work na later. back to working out na din later. Back to reality. Back na ulit lahat. Pwede din kayang mag-back out? Hehe.